What's on TV

'Karelasyon' presents 'Biglang yaman'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 19, 2017 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran protests abate after deadly crackdown, Trump says Tehran calls off mass hangings
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News



Pera ba ang sisira sa kanilang pamilya?

Ang magsama sa hirap o ginhawa – ‘yan ang sumpaan ng mga taong tunay na nagmamahalan! Ngunit simula nang magsama itong sina Toyong at Andeng, naging salat sa ginhawa at puro na lang hirap ang dinanas nila sa kanilang buhay. Kaya naman gagawin ng magasawa ang lahat matamasa lang ang karanyaang pinapangarap. 

 

 

Ngunit tunay nga bang kayamanan ang makakapagpabuti sa kanilang buhay o magiging sanhi lang ito ng gulo at hidwaan?  

Ito ang kuwento ng isang mahirap na pamilyang magiging bigla ang pagyaman! At kung noon, problema nila ang kakapusan ng pera, ang pagkakaroon na nga kaya ng malaking salapi ang magbibigay sa kanila ng masaya at tahimik na pamumuhay? o gagamitin lamang nila ito sa bisyo o paghihiganti sa mga nang-api noon sa kanila?

Paano kaya babaguhin ng salapi ang pagkatao nila?  

Abangan ang kapanapanabik na kwentong ito na sunod na itatampok sa Karelasyon! Pagbibidahan nina Ms. Snooky Serna at Gardo Verzosa, kasama sina Glenda Garcia, Erlinda Villalobos, Lou Veloso, Elle Ramirez at Prince Villanueva. Mula sa panulat at direksyon ni Michael Christian Cardoz.

Mapapanood ang Karelasyon tuwing Sabado kasama si Ms. Carla Abellana pagkatapos ng Ika-6 na Utos.