What's on TV

'Karelasyon' presents 'Bilin'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 9:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News



Ang mahalin ng iba ang taong pinakamamahal mo...

 

 

Dahil sa kanyang malubhang sakit, pinili ni Donna (Rhian Ramos) na magpakalayo sa kanyang boyfriend na si Joseph (Aljur Abrenica). 

 

Ibinilin pa nga niya ito sa kanyang pinakamatalik na kaibigang si Cristy (Sheena Halili) at hindi na binigyan pa ng paliwanag tungkol sa biglaan niyang pakikipaghiwalay   

Pero makalipas ang ilang taon, ngayong mabuti na ang kalagayan ni Donna ay babalikan niya ang mga taong kanyang iniwan. Dito niya malalamang nagkakamabutihan na ang kanyang best friend at dating kasintahan tulad ng kanyang hiniling niyang mangyari noong siya ay may malubhang sakit pa. kaya’t tama bang magpakita pa muli si Donna kina Joseph at Cristy? O dapat na lang niya hayaan maahimik at maging Maligaya ang dalawa? Pero paano kung may pagtingin pa pala si Joseph sa kanya? Siya ba o si Cristy ang dapat magpaubaya?  

Ito ang natatanging love triangle na tampok sa Karelasyon ngayong Sabado! Pagbibidahan nila Rhian Ramos bilang Donna, Sheena Halili bilang Cristy at Aljur Abrenica bilang Joseph.

Mula sa panulat ni Gay Ace Domingo at direksyon ni Paul Sta. Ana. 

Mapapanood ang Karelasyon tuwing Sabado kasama si Ms. Carla Abellana pagkatapos ng #Like.