What's on TV

'Karelasyon' presents 'Binyag'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 10, 2017 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News



Natututunan nga ba ang pag-ibig?

 

 

Matagal nang may pagtingin si Margaret sa kaibigan niyang si Raymond at dahil nagbunga ang isang gabi nilang pagsasama, nagkaroon siya ng pag-asang magiging sila. Subalit may ibang babaeng napupusuan si Raymond at para sa kanya, sapat nang tulungan at panagutan niya ang kaibigang si Margaret. 

Habang inaalagaan ni Raymond si Margaret sa maselan nitong pagbubuntis, makikita ni Margaret kung gaano kasabik si Raymond sa kanilang magiging anak. Kaya naman gagawin niya ang lahat ng paraan matuloy lang ito dahil ito na lang din ang tanging paraan para mapalapit siya kay Raymond.  

Huwag kalimutang tumutok sa GMA para sa pinakahuling kuwentong itatampok ng Karelasyon! Pangungunahan ito nina Sid Lucero, Meg Imperial at Empress Schuck kasama sina Sue Prado at Elora Espano, mula sa panulat ni James Harvey Estrada at direksyon ni Paul Sta. Ana. 

Samahan si Ms. Carla Abellana sa Karelasyon ngayong Sabado pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.