Matuturing na isang “survivor” si Estela. Bukod sa may iniinda siyang sakit, siya pa breadwinner ng kanyang pamilya. Kaya naman sa kabila ng kanyang sitwasyon, buong araw na siyang nagtatrabaho sa travel agency, may sideline pa siyang isawan at barbecue sa gabi.
Kulang na nga siya sa wastong pahinga, pero pilit pa rin siyang dumadalo ng Simbang Gabi dahil sa kanyang panata. Ito ay ang kahilingang bumuti na ang kanyang kalusugan at mmabiyayaan pa ang kanyang mahal sa buhay. Ang hindi alam ni Estela, dahil sa pagsisimba niyang ito ay may matatagpuan din niya ang taong magpapa-ibig sa kanya ---- ang binatang may panata rin tulad niya, si Romeo na may inang may sakit din at kagaya pa ng kay Estela.
Dito na magsisimula ang nakakatuwang love story ng dalawa. Isang relasyong mabubuo nang dahil sa kanilang mga pagsubok sa buhay at panata. Ito nga ba ang pag-ibig na nakatadhana para sa kanila?
Sa unang regalo ng Karelasyon ngayong Disyembre, abangan ang pagbabalik tambalan nila Ms Carla Abellana bilang Estela at ang batikang actor na si Mr. Gabby Concepcion bilang si Romeo. Makakasama nila sina Mara Alberto, Prince Clemente, Joanna Marie Tan, Mailes Kanapi at Perla Bautista. Mula ito sa panulat ni Jerome Zamora at direksyon ni Adolf Alix, Jr.
Huwag palagpasin ngayong Sabado pagkatapos ng #Like.