Ang mag-asawang sina Michael (Benjie Paras) at Tina (Ruby Rodriguez) nagpasyang magkaron ng second honeymoon sa nalalapit nilang anniversary, para raw manumbalik ang init ng tila nanlalamig na nilang pagsasama.
Ngunit ang kanilang romantic getaway masisira dahil sa pagsama ng matalik na kaibigan ni Michael na si Jeffrey (Jerald Napoles), na problemado rin ngayon kaya nangangailangan ang kalinga ng kanyang kaisa-isang best friend. Kaya ayun, imbes na makipag-bonding kay Tina, si Michael ay mas madalas pang si Jeffrey ang makakasama sa bakasyong ito! Rason para mabwisit, magselos at magduda si Tina kay Jeffrey!
Ang misis at best friend ni mister, magiging magkaaway bigla? Maayos pa kaya nina Michael at Tina ang kanilang pagsasama kung ang kaibigan ang mas aatupagin ng isa sa kanla?
Ito ang nakakaaliw na kwentong handog ng Karelasyon ngayong Sabado, pagbibidahan nina Dabarkads Ruby Rodriguez at Benjie Paras, kasama sina Jerald Napoles at Maey Bautista, mula sa panulat at direksyon ni Adolf Alix., Jr.
Samahang muli si Ms Carla Abellana sa Karelasyon ngayong Sabado ng hapon pagkatapos ng Case Solved.