What's on TV

'Karelasyon' presents 'Love is Blind'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 28, 2017 7:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



Nabulag. Iniwan. Nasaktan. Muling nagmahal.

 

 

Hindi man kagandahan ang nurse na si Gigi, puno naman ng pagmamahal at pang-unawa ang kanyang puso. 

Kaya naman kahit ubod ng sama ang ugali ng kanyang guwapong pasyenteng bulag na si Anton, kayang-kaya niya itong tiisin at aliwin. Sa katunayan, sa lahat ng mga naging nurse ni Anton, si Gigi lang ang tanging nakatagal sa kanya. Nadama niya kase ang kagandahan ng kalooban ng masayahing nurse. 

Ngunit ngayong nalalapit na ang operasyon ni Anton at malaki ang posibilidad na siya ay makakitang muli, magpapatuloy pa rin kaya ang magandang samahan ng dalawa? Magbabago kaya si Anton kapag nakita na niya ang itsura ng nurse na naging kapalit ng kanyang maganda, sosyal at mayamang girlfriend? 

Isa na namang kapana-panabik na kuwento ang sunod na ihahandog ng Karelasyon, pagbibidahan nina Divine bilang Gigi at Hiro Peralta bilang Anton, kasama sina Rita Daniela, Maria Isabel Lopez, Tanya Gomez, Raul Morit at Dess Verzosa,  mula sa panulat at direksyon ni Paul Sta. Ana. 

Samahang muli si Ms. Carla Abellana sa Karelasyon ngayong Sabado, April 1, 3:15pm.