What's on TV

'Karelasyon' presents 'Magnanakaw ng Puso'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 3, 2017 6:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel escapes NLEX, advances to Philippine Cup semis
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 25, 2025 | Balitang Bisdak
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Ang tunay na intensyon sa likod ng kanyang matamis na ngiti.

 

 

Simula nang mahiwalay sa asawa, itinuon na ni Monet ang kanyang atensyon at buong pagmamahal sa kanyang anak na si Harry. Hindi na nga siya naghanap ng bagong katuwang sa buhay sa pagaakalang kuntento na siya sa buhay nilang mag-ina. 
 
Ngunit ang kanyang tahimik na buhay ay magbabago nang makilala niya ang binata na si Gilbert. Muli ngang tumibok ang kanyang puso lalo na’t mapag-aruga at kasundo ng kanyang anak ang binata. Pero kung si Monet ay umaasang si Gilbert na ang tatayong bagong ama sa kanilang pamilya, ito rin kaya ang pakay ni Gilbert sa mag-ina? Gaano nga ba kakilala ni Monet ang binata?  
Isang madilim na sikreto ang mabubunyag ngayong Sabado sa kuwentong pagbibidahan ni Diana Zubiri kasama sina Albie Casino, Patricia Ismael, Lovely Abella at Ms. Chanda Romero. Makakasama rin nila sina Balang, Caprice Cayetano, Kevin Almodiente, Marc Justine Alvarez, Dentrix Ponce at Leanna Amber Bautista, mula sa panulat ni Troy Espiritu at direksyon ni Zig Dulay. 
 
Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms. Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.