What's on TV

'Karelasyon' presents 'Martir'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 20, 2020 6:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos: Though thankless, public service is a job that is worth it
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan sina Max Collins, Rafael Rosell at Vaness Del Moral sa 'Karelasyon' ngayong Sabado (June 27). 
Martir sa pag-ibig daw na maituturing si Emily, isang guro. Dahil kahit napakatalino niyang tao ay puro puso ang nangingibabaw sa kanya pagdating sa nobyong si Alvin, isang sekyu na maraming bisyo. 
 
Mula sa paglalasing hanggang sa paggamit ng pinagbabawal na gamot ay hindi nais tigilan ni Alvin alang alang kay Emily. Naging madalas rin ang pananakit ni Alvin kay Emily sa tuwing nakakaramdam ito ng selos sa ibang lalaki. Kung tutuusin, makahahanap naman ng mas matinong boyfriend si Emily, pero bakit hindi niya maiwan-iwang ang abusadong si Alvin?  
 
Ano ang kailangan niyang malaman o maramdaman para magising na sa masakit na katotohanan? Hanggang saan ba dapat magtitiis at magpapasensya si Emily para sa minamahal niyang si Alvin? 
 
Tunghayan ang mainit na kwentong ito sa Karelasyon!
 
Sa panulat ni Onay Sales, direksyon ni Paul Sta. Ana, tampok sina Max Collins, Rafael Rosell, at Vaness Del Moral,  sa paglalahad ni Ms. Carla Abellana, abangan ang kwentong ito ngayong Sabado (June 27)  ng hapon pagkatapos ng Eat Bulaga.