What's on TV

'Karelasyon' presents 'Perfect Woman'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 25, 2017 11:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



Matagpuan na kaya niya ang babaeng hinahanap?

Ang nais lamang ni Derick (Carlos Agassi) ay makatagpo ng isang babaeng kumpleto ng mga katangiang hinahanap niya: maganda, sexy, matalino at mapera!  

Ngunit dahil hindi niya ito nakikita sa iisang tao, pinagsabay-sabay na lang niya ang pakikipagrelasyon sa tatlo, kina Aica (Denise Barbacena) na matalino at masarap kausap ngunit “manang” o napakakonserbatibo, Lovely (Stephanie Sol) na maganda, sexy pero masama ang ugali, at Felicity (Cai Cortez) na mayaman, sweet and thoughtful at patay na patay sa kanya, may katabaan nga lang!   

Kaya paano na lang kung biglang dumating sa buhay ni Derick ang perfect woman na matagal na niyang pinapangarap?

Para sa sosyal na yoga instructor na si Mix (Dione Monsanto), hihiwalayan kaya niya ang tatlong babaeng matagal na nagtiyaga at umunawa sa kanya?  Paano kung magtulong-tulong sina Aica, Lovely at Felicity para pigilan ang balak niya? Ano kaya ang magiging ending nito --- nakakakilig na love story o isang malaking gulo?  

Ito ang kakaibang kuwentong aabangan niyo sa Karelasyon ngayong Sabado! Pagbibidahan nina Carlos Agassi, Stephanie Sol, Denise Barbacena, Cai Cortez,  Bryan Benedict at Dionne Monsanto.  Mula sa panulat ni James Harvey Estrada at direksyon ni Rember Gelera. 

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms. Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.