What's on TV

'Karelasyon' presents 'Transwoman: Ang Kakaibang Kalaguyo ni Mister

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 10:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Australia shuts dozens of east coast beaches after shark attacks
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Tampok ang kuwento ng buhay pag-ibig ni Ms. Trixie Maristela ngayong Sabado sa 'Karelasyon.'

Sa pamamagitan ng siyensya ay nakamit ni “Queen” (Trixie Maristela) ang inaasam niyang pagkababae. Pinili niya ang landas na ito dahil ipinanganak man daw siyang lalaki ang kasarian, batang-bata pa lamang ay natiyak na niyang siya ay isang babae.


Ngunit nagbago man ang kanyang kaanyuan, may isang bagay pa rin ang mailap sa mga tulad niyang transwoman. Ito ay ang tapat na pagmamahal mula sa isang lalaking hindi lang pera ang habol sa kanya. 

Ang mapapait na karanasan sa pakikipagrelasyon ang nagtulak kay Queen na kalimutan na lang ang pangarap na ito. Ngunit sa mismong bar na kanyang pinagtatrabahuan bilang entertainer ay makikilala niya si Glen (James Blanco), ang lalaking muling magpapatibok sa kanyang manhid nang puso.

Si Glen ba ay nararapat na pagkatiwalaan ni Queen? Ano'ng gagawin ni Queen sa oras na malaman niyang siya’y mistulang kabit? Para sa tunay na nagmamay-ari kay Glen, paano niya tatanggaping isang transgender ang kanyang malupit na karibal?  

Ito ang sunod na kuwentong tampok sa Karelasyon, pagbibidahan nina James Blanco at Ms. Trixie Maristela, Miss International Queen 2015, mula sa panulat at direksyon ni Michael Christian Cardoz.

Abangan ang kuwentong ito kasama si Ms. Carla Abellana, ngayong Sabado, February 13, pagkatapos ng Eat Bulaga!