What's on TV

Karelasyon presents "Tres Rosas"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 10, 2020 9:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 24, 2025
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang kapana-panabik na kwentong ito sa 'Karelasyon,' tampok ang pagbabalik-telebisyon ng nag-iisang Superstar, Nora Aunor kasama ang kanyang anak na si Lotlot De Leon at apong si Janine Gutierrez.



Isang madilim at mapait na kahapon ang patuloy na nagmumulto kay Maring (Nora Aunor). Kabilang siya sa maraming Pinay na paulit-ulit inabuso at pinagsamantalahan ng mga hapon na sumakop sa ating bansa noong World War 2.

At habang nag-ra-rally para sa hustisya ang ibang mga lola na dumanas din ng kanyang pinagdaanan, sa mismong tahanan ni Maring haharapin ang isa ring mabigat na laban.

Dahil ang pinakahihintay niyang reunion o muling pagsasama-sama ng kanyang pamilya ang magbibigay daan para malaman niyang isang dayuhan ang inibig ng kanyang apong si Rose (Janine Gutierrez) at mula ito sa lahi na ika nga’y nagkasala nang masidhi sa mga binansagang “comfort woman” gaya niya.

Ang pagkakaron ng nobyong hapon ni Pilar ay paglapastangan nga ba sa masakit na karanasan ng kanyang lola? Magpapaubaya na lang ba si Maring para sa kaligayahan ng kanyang apo? Paano papagitna at sasaklolo sa gusot na ito ang ina ni Rose na si Pilar (Lotlot De Leon). Ang kakampihan ba ni Pilar ay ang kanyang nanay o ang kaisa-isang anak?

Abangan ang kapana-panabik na kwentong ito sa Karelasyon, tampok ang pagbabalik-telebisyon ng nag-iisang Superstar, Nora Aunor kasama ang anak niya sa tunay na buhay na si Lotlot De Leon at apong si Janine Gutierrez.

Sa panulat at direksyon ni Adolf Alix, Jr. at paglalahad ni Ms. Carla Abellana, tunghayan ito ngayong Sabado, July 11, 2:30pm pagkatapos ng Eat Bulaga.