GMA Logo ana capri and precious lara quigaman in karelasyon
What's on TV

Karelasyon: Stepmom, napilitang makisama sa tunay na ina ng kanyang anak-anakan

Published November 20, 2021 4:00 PM PHT
Updated November 20, 2021 4:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

ana capri and precious lara quigaman in karelasyon


Hindi man kadugo pero itinuring ni Olive na tunay na anak ang anak ng kanyang kinakasama na si Gary.

Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang GMA drama anthology na Karelasyon.

Sa November 20 episode ng Karelasyon, natunghayan ang sakripisyo ni Olive (Ana Capri).

Bilang bagong kinakasama ni Gary (Jay Manalo), nais sana ni Olive na hindi lang mas mapamahal siya sa kanyang partner, kundi mas mapalapit din siya sa anak nitong si Jonas (Sean Ross).

Itinuring ni Olive na tunay na anak ang bata at tanggap naman siya nito bilang kanyang bagong nanay. Kung tutuusin, mas higit pa nga ang pagmamahal ni Olive kay Jonas kaysa sa tunay nitong ina.

Masaya na sana ang maliit nilang pamilya hanggang sa bumalik ang tunay na ina ni Jonas at dating asawa ni Gary na si Liza (Precious Lara Quigaman).

Sino nga ba ang mas may karapatan sa dalawa: ang ina na nawala at ngayon ay nagbabalik o ang inang kasalukuyang nag-aalaga?

Naipit sa sitwasyon si Olive kaya minabuti niyang makipaghiwalay kay Gary.

Pero sa huli, nanaig pa rin ang pag-ibig nila sa isa't isa, kasunod ng pagpaparaya ni Liza.

Ang annulment ng kasal nina Liza at Gary ang nagbigay-daan para maging opisyal ang samahan nina Gary at Olive.

Sa mga nais balikan ang full episodes ng Karelasyon, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.