
Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang drama anthology na Karelasyon.
Sa May 10 episode ng Karelasyon rerun, nakilala si Tina (Aubrey Miles), ang dalagang tenant na-in love sa landlord niyang si Greg (Pen Medina) na 'di hamak na mas matanda sa kanya.
Malaki man ang agwat ng kanilang mga edad, madali naman silang nagkasundo. Laging pinagluluto ni Tina si Greg kaya nahulog ang loob nito sa kanya.
Nakita ni Greg ang pagmamalasakit sa kanya ni Tina. Ang dalaga ang nag-alaga sa matanda nang magkasakit ito.
Ang pagmamahal ni Greg kay Tina ay umabot pa sa manahan kung saan sa dalaga niya inihabilin ang ilan niyang ari-arian.
Sa kabila ng kanyang kabaitan, may tinatago palang sikreto si Tina.
Cristy ang tunay niyang pangalan. Nagpakalayu-layo siya para hindi siya mabagabag ng kanyang nakaraan at para magsimula ng bagong buhay.
Ang kapatid mismo ni Jean (Ces Quesada) ang nakatuklas sa sikreto ni Tina na dati itong kumakabit sa mas matanda sa kanya kapalit ang ginhawa sa buhay.
Dahil dito, naunsyami ang pagsasama nina Tina at Greg.
Ipinaglaban ni Tina ang kanyang pagmamahal kay Greg at pinatunayan na hindi basehan ang edad o ang nakaraan ng isang tao para magmahal nang totoo.
Sa biglaang pagpanaw ni Greg, nasunod naman ang kanyang kahilingan tungkol sa kanyang mga naipundar.
Sa mga nais balikan ang full episodes ng Karelasyon, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama anthology.