
Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang GMA drama anthology na Karelasyon.
Sa December 11 episode ng Karelasyon, nakilala si Emilia, isang titser.
Ampon si Emilia ni Adela (Anita Linda) kaya malaki ang utang na loob niya rito.
Hindi nga nagkulang bilang ina si Adela kaya naman hanggang ngayon ay sinusuklian pa rin siya ng pagmamahal at pag-aaruga ng kanyang anak na si Emilia.
Sa katunayan, tumanda na sa pagkadalaga si Emilia para lang mapagsilbihan ang ina. Pero si Emilia, naghahangad din palang magkaroon ng sariling pamilya.
Nang makilala ni Emilia si David (Benjamin Alves), hindi niya maiwasang umasang magkaroon ng nobyo. Baka nga naman ito na ang last chance niya para makapag-asawa.
Pero ang kanyang ina, pilit siyang pinipigilan sa kanyang tanging kaligayahan.
Utang nga ng mga anak sa kanilang mga magulang ang kanilang buhay pero hindi ibig sabihin nito, ang mismong kaligayahan nila ang dapat na maging kabayaran.
Panoorin ang buong episode ng Karelasyon sa video sa itaas.
Sa mga nais balikan ang full episodes ng Karelasyon at ng ibang programa ng GMA, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.