
Nagtapos na ang artista journey ni Karl Aquino sa StarStruck.
Sa ginanap na elimination nitong July 13, si Karl ang nakakuha ng lowest combined scores mula sa council at online votes. Dahil dito ay nagpaalam na siya sa StarStruck Season 7.
Ayon kay Karl ay nagpapasalamat siya dahil napabilang siya sa Final 14.
"Una po sa lahat, gusto ko pong pasalamatan 'yung GMA at 'yung bumubuo po ng StarStruck kasi binigyan ninyo ako ng chance na maging part ng Final 14. 'Yung pangarap ko lang na mag-audition, si Lord, ipinagpatuloy niya na makapasok dito at maging isa sa Final 14."
Nagpasalamat din si Karl sa kanyang pamilya, fans, at council dahil sa kanyang natutunan mula kina Cherie Gil, Heart Evangelista, at Jose Manalo.
"Thank you rin po sa council na walang sawa na binibigyan kami ng advice. Sa mga sumusuporta po sa akin, sa family ko, maraming salamat po sa all out support ninyo sa akin."
Panoorin ang kanyang final bow sa StarStruck.