
Sa January 20 episode ng Magkaagaw, nakumbinsi ni Jade ang ama nito na si Jio (Jeric Gonzales) na ibalik siya sa kanyang ina.
Sa kasamaang palad, nauwi ang dalawa sa isang madugong aksidente na humantong sa pagka-ospital ni Jade.
Nang malaman ito ni Clarisse (Klea Pineda), sumugod agad ito sa ospital at 'di napigilang ilabas ang kanyang emosyon nang magkaharap muli sila ni Jio.
Tutukan ang pinakamatinding agawan tuwing hapon, ang Magkaagaw Lunes hanggang Sabado sa GMA Afternoon Prime.