GMA Logo Karylle
Source: anakarylle/IG
What's on TV

Karylle, apektado sa pagiging anak ni Zsa Zsa Padilla?

By Kristian Eric Javier
Published October 2, 2025 4:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Livestream: May 17, 2026
Ashley Rivera shares first Hyrox race experience
NBI, PNP enter steel mill firm in MisOr; workers stage rally

Article Inside Page


Showbiz News

Karylle


Karylle on being the daughter of Zsa Zsa Padilla: 'It casts a shadow over you'

Bilang parehong celebrities, aminado si Karylle na hindi naging madali ang maging anak ng isang Zsa Zsa Padilla. Ayon sa It's Showtime host, madalas siyang maikumpara sa ina, bagay na naranasan niya umano simula pagkabata.

Sa pagbisita ni Karylle sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, October 1, pinag-usapan nila ni King of Talk Boy Abunda ang pagtawag sa kaniya bilang nepo baby. Ayon sa singer-host, hindi naman mali ang bansag sa kaniya.

“Dito kasi, ang tinawag sa'min 'Anak ni' Anak ni Zsa Zsa, 'yun 'yung apelido ko. 'Karylle, anak ni Zsa Zsa.' Ngayon, asawa ni Sponge Cola so parang humaba pa lalo 'yung pangalan ko,” sabi ni Karylle.

Nang tanungin siya ni Boy kung naging mas madali ba ang maging anak ni Zsa Zsa, ang sagot ni Karylle, “Hindi, kasi siyempre 'yung sinasabi nilang it casts a shadow over you, totoo 'yun, lalo na 'pag Filipino songs, we sound alike, as you said, sometimes, we talk alike, so ang hirap ng comparison, so that was throughout my childhood.”

Saad ni Karylle, nakahanap naman siya ng sarili niyang daan na tatahakin sa likod ng teatro. Ayon pa sa singer-host, noong ginawa ni Zsa Zsa ang pelikulang “Ang Larawan” na hango sa theatre play na “Larawan,” sinabi ni Karylle na siya naman ang ginagaya ng kaniyang ina.

“Sabi ko, 'Mama, first time mo ba sa CCP main theater? Ako naka-perform na'ko diyan, ballet.' Du'n ko lang nakuha 'yung confidence ko, thanks to ballet. Sabi ko, 'Naka-perform na rin ako diyan sa big theater, Junto Al Pasig, sinulat 'yun ni Jose Rizal, pero sinayaw namin 'yun, mama,'” pagbabalik tanaw ni Karylle.

BALIKAN ANG ACCOMPLISHED NA MGA ANAK NI ZSA ZSA, KABILANG SI KARYLLE, SA GALLERY NA ITO:

Hindi rin umano naging issue kay Karylle na mas maganda kaysa sa kaniya si Zsa Zsa. Sa katunayan, dahil kulot siya at hindi pasok sa standard ng mga Pinoy ng maganda ay madali na niyang natanggap na mas maganda ang kaniyang ina.

“Hindi ako maganda so okay na'ko. Tinanggap ko na siya as that. Hindi siya issue because din sabi ng lolo ko sa'kin, 'Dat, ang Padilla, late bloomer, antayin mo lang.'”

Panoorin ang panayam kay Karylle dito: