Article Inside Page
Showbiz News
Marami ang nagulat sa napaka-sexy na suot na damit ni Karylle sa launching ng Top 24
Pinoy Idol contestants...
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered!
Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world.

Marami ang nagulat sa napaka-sexy na suot na damit ni
Karylle sa launching ng Top 24
Pinoy Idol contestants na ginanap sa Teatrino sa Greenhills kagabi, May 21. Sanay na ang lahat na makitang nakasuot ng mini skirt si Karylle sa
SOP tuwing Linggo, pero kagabi ay iba ang glow ng girlfriend ni
Dingdong Dantes.
Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Karylle sa backstage ng Teatrino, natawa lang ang singer-actress-TV host dahil narinig niya na nagbubulung-bulungan ang mga reporter na nasa loob ng venue nang lumabas siya na suot ang sexy green dress niya.
"Nagtataka ako because this is not the first time na nagsuot ako ng ganitong sexy na damit. I always wear miniskirts sa
SOP, sa mga production numbers namin. Pero I guess mas napansin lang nila ako ngayon kasi wala akong ibang girls na kasama. Kumbaga, na-highlight ang suot ko tonight," nakangiting saad ni Karylle.
NEW IMAGE. Sina Karylle at
Rhian Ramos ang napili ng GMA-7 to host
Pinoy Idol Extra. Ipapakita sa naturang show ang mga backstage and unguarded moments ng Top 24
Pinoy Idol contestants bago sila ma-trim down to 12.
Ayon kay
Karylle, required daw siya na magmukhang sexy parati dahil gustong ilabas ng GMA-7 ang bagong image niya as a TV host.
"Yun nga ang sabi nila sa akin, na I have to be like this because it will be a new image for me," sabi niya. "They said na it's my time to shine sa center stage. Okay naman sa akin ‘yon, e. It's a big change for me kasi you don't get to see me on a daily basis, di ba? Kapag Sunday lang talaga nila ako napapanood. Now, magkakaroon nga ako ng adjustment because they will watch me from Monday to Thursday, tapos sa weekends may participation din kami ni Rhian [sa
Pinoy Idol]."

Dahil sa magiging hectic na ang schedule ni Karylle ay tinanggihan niya ang offer sa kanya para maksama sa isang soap opera.
"Sayang nga yung soap drama, pero I really have to choose, e. Or else, ako rin ang mahihirapan. Mas nauna kasing dumating itong
Pinoy Idol Extra and okay naman ang magiging exposure ko because main host ako ng daily show na ito. At mukhang fun-fun ang magiging work ko because I will get to interact with the contestants para makilala natin sila nang husto," paliwanag ni
Karylle.
DINGDONG KNOWS. Alam ba ni Dingdong na ganito ang magiging image niya ngayon as a TV host? May approval ba ito ni Dingdong?
"Oo naman. Dong knows na suot ko ito!" malakas na tawa ni Karylle. "Sa lahat naman ng mga ginagawa ko, alam ni
Dong and he's not against a lot of things. May mga konting restrictions siya, pero okay lang naman ‘yon. Hindi naman unreasonable ang mga bawal sa kanya.
"When it comes naman to my career, like this one in
Pinoy Idol Extra, he's all out sa pagsuporta sa akin. He's the one pa saying na he's proud of me because he knows na kaya ko. That's how he's supportive sa akin. Alam naman niya na I also support his career and I am very happy sa mga nangyayari sa kanya ngayon," pagwawakas ng singer-actress-TV host. --
PEP (Philippine Entertainment Portal)
What can you say about the proposed change of image for Karylle? Talk about her and
Pinoy Idol Extra at the
iGMA forums! If you're not yet registered,
register now! Who knows, you might even get to
chat with your favorite Kapuso artist
And if you want to be updated on what’s happening with Karylle, you can do so through Fanatxt! Just text KARYLLE and send to 4627 for all telcos! (Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, and PhP2.00 for Sun subscribers.)