What's Hot

Karylle, masaya sa patuloy na suporta ng Encantadiks

By Kristine Kang
Published October 14, 2025 5:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Karylle and Bianca Umali


Labis din ang saya ni Karylle na makasama si New-Gen Sang'gre Bianca Umali.

Tuloy pa rin ang pagmamahal ng fans sa mahika ng GMA fantasy world na Encantadia.

Mula sa OG version noong 2005 hanggang sa bagong henerasyon sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, patuloy ang suporta ng mga Encantadiks -- bata man o matanda.

Sa isang panayam sa morning show na Unang Hirit, masayang ibinahagi ni Karylle ang walang kupas na pagmamahal ng fans sa iconic na superserye.

Bilang isa sa mga OG Sang'gre, proud si Karylle na makita ang mga bagong tagapangalaga ng mga Brilyante.

Kabilang na si Bianca Umali, na ngayon ay gumanap bilang si Terra.

"Si Bianca palagi nasa It's Showtime, nakakatuwa naman. So palagi kami naka-posing [ng Brilyante]," kuwento ni Karylle.

Nagpasalamat din ang OG Sang'gre sa patuloy na suporta ng fans sa kanya at sa Encantadia franchise.

"Siguro the best part is nakikita namin 'yung mga bata lumaki with Encantadia. So ngayon, Sang'gre naman pinapanood nila," aniya.

Noon, kinilig ang fans sa live performance ni Karylle ng isa sa mga minahal na kanta ng Encantadia sa commercial break ng It's Showtime.

"Every time kinakanta ko lately 'yung 'Mahiwagang Puso,' tuwang-tuwa sila," masayang pagbabahagi niya.

Noong 2005, ginampanan ni Karylle ang karakter ni Sang'gre Alena, kasama sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, at Diana Zubiri.

Muling nagsama-sama ang OG Sang'gres para sa isang performance sa noontime program at sa ilang masayang TikTok videos.

Samantala, mapapanood ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Available din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Silipin ang throwback photos ng OG Sang'gre stars sa gallery na ito: