GMA Logo Madlang Player, Jhong Hilario, Karylle, Vhong Navarro
PHOTO COURTESY: GMA Network, It's Showtime
What's on TV

Karylle, nagbigay ng paalala tungkol sa 'Bawal Bastos Law'

By Dianne Mariano
Published March 4, 2026 5:18 PM PHT
Updated March 4, 2026 5:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

House leaders: Justice panel has authority to open, examine VP Sara’s bank records
One North Central Luzon: March 4, 2026 | Livestream
AraBella: Pag-asa para kay Roselle | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

Madlang Player, Jhong Hilario, Karylle, Vhong Navarro


"Don't forget, bawal bastos," anang 'It's Showtime' host na si Karylle bago natapos ang "Laro Laro Pick" segment.

Nabigo ang Madlang Player na si Buboy na masagot nang tama ang tanong sa jackpot round ng "Laro Laro Pick" sa It's Showtime ngayong Miyerkules (March 4).

Sa huling round ng naturang segment, ang jackpot question para kay Buboy ay mayroong kinalaman sa mga ibinabalita ngayon.

"Ano ang popular na tawag sa Republic Act No. 11313, na isang mahalagang batas sa Pilipinas na naglalayong protektahan ang lahat ng kasarian mula sa iba't ibang uri ng sexual harassment kagaya ng catcalling o mga bastos na komento, wolf whistling o paninipol, groping o panghihipo, misogynistic o homophobic remarks, stalking o pagmamanman, at online harassment," tanong ni Jhong.

Cyber crime ang naging sagot ni Buboy, ngunit ito ay mali dahil ang tamang sagot ay ang Bawal Bastos Law o ang Safe Spaces Act.


Bago nag-commercial break, nagbigay ng paalala si Karylle.

“Ayan, Buboy, hindi na natin makakalimutan, Bawal Bastos [Law]. Don't forget, bawal bastos," anang actress-host.

Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.