GMA Logo Karylle and Modesto Tatlonghari
Source: GMA Network & It’s Showtime
What's on TV

Karylle, nami-miss ang yumaong ama

By Aedrianne Acar
Published October 21, 2024 2:19 PM PHT
Updated October 21, 2024 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Backstreet Boys drop 2025 version of 'I Want It That Way' music video
P500,000 cash, jewelry lost to burglars in mall in Pavia, Iloilo
Brandon Espiritu recommends this workout as a running alternative

Article Inside Page


Showbiz News

Karylle and Modesto Tatlonghari


Karylle on her late father Modesto Tatlonghari: “Pinuno niya 'yung buhay ko ng music.”

Nakakaantig ang naging panayam ni Vice Ganda sa ka-teammate niya sa “Magpasikat 2024” na si Karylle nang mapag-usapan ang tatay nito.

Matatandaan na noong Agosto, kinumpirma ng anak ni Zsa Zsa Padilla ang pagkamatay ng kaniyang ama na si Dr. Modesto Tatlonghari.

Sinabi ni Karylle sa interview sa kaniya ni Meme Vice ang ibig sabihin para sa kaniya ng salitang “hope.”

“Hope…Karugtong siya ng love. Kadugtong din niya 'yung faith. And sa buhay, may mga test of faith.”

Dito tinalakay niya ang memory niya kasama ang kaniyang yumaong ama.

“Bata pa lang ako, nakaranas na ako ng matinding kadiliman or sadness. Naghanap siya rin ng mga tao to surround me na mabubuting tao. He made sure na lagi kami nagsisimba. And pinuno niya 'yung buhay ko ng music.”

“Nakikita lang niya sumasali ako sa lahat, lahat ng performances andun siya. 'Yung last na play na ginawa ko sobra niyang saya, kasi 'yun 'yung favorite namin pinapanood ko nung bata ako.”

“This will be the first-time na Magpapasikat Ka nang hindi mo na makikita 'yung dad mo sa paligid.” Sabi ni Vice kay Karylle.

Tugon ng kaniyang It's Showtime co-host, “Iniisip ko yan. May picture nga ako na nakita. Sabi ko, 'grabe!'

“'Pag iniisip mo 'yung magiging mahirap dahil mahirap 'yung gagawin ko. It's me missing him as I prepare and alam ko hahanapin ko siya.”

Panoorin ang video:

RELATED CONTENT: CELEBRITIES WHO LOST A LOVED ONE THIS 2024