
Litaw ang slimmer figure ng actress-singer na si Karylle, kaya naman sa episode ng It's Showtime ngayong Sabado (March 22), tinawag siya ni Meme Vice Ganda na 'Binibining Kurba.'
Ayon kay Karylle, talagang focused siya sa page-exercise at pagda-diet. Kuwento niya sa It's Showtime, “Maraming salamat din kay Coach James Sandoval, bumalik na 'yung kurba ko. Kasya na uli!
“At sorry na lang kay Yael, ang aking asawa dahil nagda-diet talaga ako.”
Sumunod naman nagbigay siya ng birthday message si Karylle at taos-puso nagpasalamat sa Madlang Pipol sa pagmamahal na ibinibigay nila sa kaniya.
Aniya, “Siyempre para 'yan sa pagmamahal ng Madlang Pipol, thank you so much.
“Damang-dama ko talaga kayo. Kahit saan magpunta, lalong-lalo na 'yung pumupunta dito sa studio, we love you. Kung alam n'yo lang talaga ang lahat ng ginagawa naming ay para sa inyo, talagang mas mapapamahal sana pa kami.
“And thank you for letting us in your lives.”
Hindi rin nakalimutan ng former Encantadia star na pasalamatan din ang kaniyang Showtime fambam.
Sabi ni Karylle, “Thank you everyone for making everyday extra happy. I mean nung pumunta ako dito hindi ko naramdaman 'yung kaya pang i-saya ng buhay. So, maraming-maraming salamat sa inyong lahat.
“Parang akala ko masaya na 'yung buhay, pero may isasaya pa. May iga-ganda pa, we are always pushing our limits dahil lahat tayo ang hilig natin magpasikat hindi ba. Kaya thank you, thank you Showtime family for making me feel so wonderful in my 40s.”
RELATED CONTENT: SURPRISING CELEBRITY TRANSFORMATIONS