
Lumabas na ang desisyon ng korte tungkol sa kasong isinampa ng komedyanteng si K Brosas laban sa contractor na dapat sana ay gagawa ng kanyang bahay.
Matatandaang noong taong 2021 nag-file ng kasi si K matapos diumanong "abandonahin" ng contractor ang proyekto.
Ayon day kay K, nabuo na niya ang bayad dito na mahigit kumulang Php 7 million.
Sa kanyang Instagram account, nagbigay ng update si K tungkol sa kaso.
"Convicted (but not yet final), finally.
"Ilang taong paghihintay at pagpapasensya na may halong stress at anxiety, pero mabait ang Panginoon. Nanaig ang katotohanan. Hindi ako matatakot at mapapagod ipaglaban kung ano ang tama," sulat niya.
Pinasalamatan din niya ang mga taong tumulong sa kanya sa kaso.
"Today, justice prevailed. Thank you, Lord! Salamat Sales and Valderrama Law Office, lalo na kay Atty. Charlotte!
"Sa lahat ng mga nagdasal (kasama na rin ang mga hindi naniwala), mahal na mahal ko kayo.
"This is one great Valentine's gift! Panalo ito ng lahat ng mga naloko! lablablab!!!! ," pagtatapos ng caption ng kanyang post.
Samantala, natapos na ang bahay ni K sa tulong ng bagong contractor at mga dalawang taon na rin siyang nakatira dito.
Ipinasilip din niya ang bahay na ito sa isang five-part house tour sa kanyang vlog.
Panoorin ang tour ni K Brosas ng pinaghirapan niyang bahay dito: