
Naghahanda na si Katarina Rodriguez para sa Miss World 2018 na gaganapin sa China.
From her body, to walking, to conceptualizing the gowns, matindi ang preparation na ginagawa ng beauty queen para sa competition.
Nagkuwento rin si Katarina ng mga bagay tungkol sa kanya na hindi alam ng ilan niyang fans.
Aniya, isa siyang bookworm at foodie. Sa katunayan, isa siyang big burger fan.
At lingid sa kaalaman ng ilang niyang fans, isang double degree holder si Katarina--graduate siya ng Philosophy at Business Management.
Sa ngayon, single at focused si Katarina sa Miss World 2018.
Sabi pa niya, "I'm not doing this to conquer the world, but to make the world a better place.
“And I'd like to extend the potential of the modern day Filipina, or the modern day Filipino in general, to the rest of the world."
Panoorin ang buong report sa 24 Oras: