
Proud na ibinahagi ni Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez ang autograph na nakuha mula kay Cha Eun-woo.
Ayon kay Katarina, isa siya sa mga tagahanga ng Korean star. Sa Instagram, ipinakita ng beauty queen ang autograph na natanggap sa aktor na aniya ay ipapa-frame niya.
"Got [Cha Eun-woo's] autograph," sulat niya.
Ibinahagi rin ng beauty queen ang naging paghahanda nito sa one-on-one interview kay Cha Eun-woo para sa telecom giant na Smart Communications.
"Finally can share about my real K-drama moment with the one and only, the love of my life [Cha Eun-woo],” aniya. "Thank you to my glam team for dressing me to fit the part of Eun-woo's ideal girl."
Ilan sa mga napa-comment sa fangirling moment na ito ni Katarina ay sina Sparkle actresses Rhian Ramos at Max Collins.
Noong August 2022, muling bumisita ng bansa si Cha Eun-woo para sa "Starry Caravan in Manila" fan meeting nito na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
TINGNAN ANG "POGI" PHOTOS NI CHA EUN-WOO RITO: