GMA Logo Family Feud
What's on TV

Kate Valdez at Fumiya Sankai at new 'Bubble Gang' stars, ipakikita ang talino sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published November 5, 2025 1:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: March 17, 2026
PNP probes alleged kidnapping caught on video in Bohol
The soaring ecstasy and lingering anguish of retrospect

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Abangan ang pinakamahusay sa pagsagot ng top answer sa 'Family Feud' ngayong November 5!

Tapatan ng kilig at kiliti ang inihanda ng Family Feud ngayong Miyerkules.

Ngayong November 5, mapapanood ang pagalingan sa pagsagot ng top answers sa survey board ng team ng real-life couple at new stars ng Bubble Gang sa Family Feud.

Mula sa Team Mochi maglalaro ang real-life sweethearts na sina Kate Valdez at Fumiya Sankai. Si Kate ay napapanood bilang Mira sa Encantadia Chronicles: Sang'gre at si Fumiya naman ay ang Japanese vlogger, actor, at influencer na sumikat bilang first full-Japanese housemate sa Pinoy Big Brother: Otso.

Makakasama nila sa Team Mochi ang kapatid ni Kate, content creator, writer, and director na si Karen Ashley at kaibigan nilang si Yamyam Gucong na Filipino comedian, actor, at big winner ng Pinoy Big Brother: Otso.

Magpapakitang-gilas ang apat sa limang miyembro ng Bubble Gang ng Bayan - mga bagong supporting cast members ng Bubble Gang na pinili sa isang matinding screening. Abangan ang pagsabak sa Family Feud ni Cartz Udal, ang self-proclaimed "Malanding Tomboy" at content creator na sumikat sa viral funny videos; si Aaron Maniego, ang actor and fitness buff; si Erika Davis na isang student, actress, and live seller; at si Jona Ramos na isang team leader.

Sino ang magwawagi sa Family Feud scoreboard? Panoorin ang kanilang tapatan sa Family Feud ngayong November 5, 5:40 p.m. sa GMA.

Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para malaman kung paano makakasali sa Guess More, Win More promo: