
Maghahatid ng kilig ang Kapuso stars na sina Kate Valdez at Yasser Marta sa Regal Studio Presents ngayong Linggo. Sila ang bibida sa episode na "Holdap 'To, I Love You."
Gaganap si Yasser bilang si Lorenz, isang delivery boy na naghihintay na lang ng tawag para makasakay ng barko bilang seaman.
Biglang kakailanganin ni Lorenz ng malaking halaga dahil sa karamdaman ng kanyang ina kaya mapipilitan naman siyang mangholdap ng pampasaherong jeepney.
Si Kate naman ay si Marian, isa sa mga pasahero ng jeepney na hoholdapin sana ni Lorenz. Pero nakaramdam ng instant attraction si Lorenz nang masilayan niya si Kate kaya papalpak ang plano niyang holdap.
Hindi niya malimutan ang dalaga kaya laking gulat niya nang muli niyang makita si Marian bilang bagong housemate sa kanilang boarding house. Gagawin ni Lorenz ang lahat para mapalapit kay Marian. Pero paano kung malaman ni Marian na ang maalaga at thoughtful na si Lorenz ay siyang holdaper na muntik magpahamak sa kanya noon?
Abangan ang bagong team up nina Kate Valdez at Yasser Marta sa brand new episode na "Holdap 'To, I Love You," March 12, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.
Mapapanood din ito sa pamamagitan ng ang livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
SILIPIN ANG ILANG MGA EKSENA SA GALLERY NA ITO: