
Sa isang seryosong relasyon, hindi maiiwasan ang usapang kasalan. Ngunit para kina Kate Valdez at Fumiya Sankai, wala pa ito sa kanilang mga plano ngayon.
Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, August 15, deretsahang tinanong ni King of Talk Boy Abunda sina Kate at Fumiya kung magpapakasal na ba sila. Pag-amin ng Kapuso actress, tingin nila, panahon na rin para pag-usapan nila iyon.
“I think it should be time din to talk about it, kasi we're not just together for joke-joke lang. Sometimes, there's a question din na you have to know about the financial stuff, paano 'yung mga ganu'ng bagay,” sabi ni Kate.
Saad ba ng Kapuso actress, gusto nilang mag-focus sa ngayon sa kai-kanilang karera, “We're taking our time, Tito Boy, pero we're still focusing on our career. Papunta naman du'n pero we're still enjoying our time.”
Dagdag pa ni Fumiya ay alam nilang darating para sa kanila ang tamang oras kaya naman sa ngayon, mas gusto nilang mag-focus sa kani-kanilang mga sarili.
Ngunit paglilinaw nito, “Pero like siyempre like I want to be with her.”
TINGNAN ANG ILAN SA SWEETEST PHOTOS NINA KATE AT FUMIYA SA GALLERY NA ITO:
Tinanong din ng batikang host sina Kate at Fumiya kung handa ba nilang iwan ang kani-kanilang bansa, si Kate ang Pilipinas, at si Fumiya naman, ang Japan oras na ikasal sila.
Ayon sa Kapuso actress, kahit na sa Pilipinas siya tumanda ay gusto pa rin niyang maranasan ang kultura sa Japan. Malaking tulong umano ito para mas matutunan pa niya ang mga values at kultura ni Fumiya.
Maikling sagot naman ng Japanese personality, “Yeah, siyempre!”
Ngayong nalalapit na ang kaarawan ni Kate, isa sa mga plano ni Fumiya ay isama ang aktres sa Japan at ipagdiwang ang espesyal na araw sa Disneyland.
“'Cause she loves Disney, and like last year, we celebrated her birthday in Disneyland, Hong Kong. This time, Japan,” sabi nito.
Nang hingan naman siya ni Boy ng hiling para sa kaarawan ni Kate, sabi ni Fumiya sa Hapon, na na-translate din niya sa Ingles, “At first, happy happy birthday, thank you for [being] born into this world, and I want to be with you forever so let's enjoy our life together.”