GMA Logo Kate Valdez
Image Source: valdezkate_ (Instagram)
What's on TV

Kate Valdez, gaganap sa dual roles sa pagbabalik-teleserye via 'Unica Hija'

By Jansen Ramos
Published June 23, 2022 11:52 AM PHT
Updated October 18, 2022 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Kate Valdez


Makakatambal ni Kate Valdez si Kelvin Miranda sa bagong GMA drama na 'Unica Hija.'

Matapos ang GMA primetime series na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday (2020), muling bibida ang Kapuso star na si Kate Valdez sa teleserye.

Doble ang excitement ni Kate sa pagbabalik niya sa soap opera dahil dual roles ang kanyang gagampanan sa upcoming GMA drama na pinamagatang Unica Hija.

Experimental ang pagganap ni Kate, dahil sa unang pagkakataon, lalabas siyang isang produkto ng cloning sa Unica Hija na sasailalim sa direksyon ni Mark Dela Cruz matapos ang hit GMA Telebabad series na I Left My Heart In Sorsogon. Siya rin ang direktor ng huling drama na pinagbidahan ni Kate na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Bukod pa riyan, first time makakatambal ni Kate ang promising Kapuso actor na si Kelvin Miranda na mula sa hit series na The Lost Recipe at Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette.

Sa bagong serye, mapapanood ang mga minahal na artista sa hapon na sina Katrina Halili at Mark Herras, gayundin ang batikang singer at aktor na si Boboy Garovillo na pinag-usapan sa primetime.

Tampok din sa Unica Hija ang seasoned artists na sina Maricar De Mesa, Bernard Palanca, Maybelyn Dela Cruz, Biboy Ramirez, at Alfred Vargas na mapapanood sa isang espesyal na pagganap.

Handa namang ipamalas muli ng Sparkle talents na sina Faith Da Silva, Athena Madrid, at Jennie Gabriel, at dating child actor na si Jemwell Ventenilla ang kanilang acting chops sa bagong aabangang teledrama.

Abangan ang Unica Hija sa GMA.