
Napa-"OMG" ang Unica Hija lead star na si Kate Valdez nang i-follow siya ng Serbian artist at cosplayer na si Ariderion sa Instagram.
Fan si Kate ng mga Japanese novel series kaya kinilig siya nang mapansin siya ni Ariderion, na may totoong pangalang Una Obrić. Matatandaang bumida pa si Kate bilang horror superhero sa US fantasy-thriller comic book na Dream Walker.
Kilala si Ariderion sa pagbibigay-buhay sa mga fictional anime at manga character sa pamamagitan ng costume play.
Ilan lamang sa mga ginaya niya ang mga karakter nina Loid Forger ng Spy x Family, Ash Lynx ng Banana Fish, at Nana Osaki ng Nana.
Isa si Ariderion sa mga sikat na foreign cosplayer sa bansa.
Ayon sa kanyang Instagram Story, wala pa siyang planong pumunta sa Pilipinas para i-meet ang kanyang fans pero, aniya, willing siyang bumisita kapag nakakuha siya ng imbitasyon mula sa pop culture conventions.
Sa ngayon ay may 86,000 followers sa Facebook at 163,000 followers sa Instagram si Ari.
Mayroon naman siyang 3.5 million likes sa TikTok.
SAMANTALA, BALIKAN ANG SHOWBIZ JOURNEY NI KATE VALDEZ DITO: