
Patuloy na tumitindi ang mga tagpo sa GMA Afternoon Prime series na Shining Inheritance, na pinagbibidahan nina Kyline Alcantara at Kate Valdez, Paul Salas, Michael Sager, at Ms. Coney Reyes.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Kate, na bumibida bilang Inna Villarazon, masaya at nagpapasalamat ang Sparkle star sa suporta at papuring natatanggap ng nasabing serye mula sa viewers.
“I'm very thankful. Galing po sa puso ko, sa puso naming lahat, nagpapasalamat po kami sa magandang feedback n'yo at lagi n'yo pong sinusubaybayan ang magandang istorya ng Shining Inheritance. Sana po subaybayan n'yo pa rin hanggang dulo ang Shining Inheritance. Kami po ay sobrang thankful sa suporta,” pagbabahagi niya.
Sa isa pang panayam, ibinahagi ni Kate na labis ang kanyang tuwa sa taping ng Shining Inheritance dahil sa co-stars niya at sa gaan ng set.
Aniya, “I'm very much happy sa show na ito kasi although it sounds cliche pero talagang ang babait ng mga kasama ko and I feel so blessed na sila 'yung nakatrabaho ko sa project na ito. Kasi ang sarap magtrabaho talaga kapag magaan 'yung aura sa set, masaya lang, hindi mo nararamdaman 'yung bigat ng eksena.”
Subaybayan ang Shining Inheritance, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
KILALANIN ANG CAST NG 'SHINING INHERITANCE' SA GALLERY NA ITO.