What's on TV

Kate Valdez, ikinuwento ang hirap ng taping ngayong may pandemic

By Maine Aquino
Published November 4, 2020 12:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, 5 rescued in anti-online sexual abuse ops in Mati
Filipino spying for China says sensitive info obtained from PCG official
The 2026 Miss Universe PH queens are elegant in their evening gowns

Article Inside Page


Showbiz News

Kate Valdez


Ibinahagi ni Kate Valdez ang proseso ng taping sa kanyang fans sa 'Hangout.'

Sa latest episode ng Hangout ay sinagot ni Kate Valdez ang tanong ng kanyang fan tungkol sa taping procedure ngayong new normal.

Si Kate ay nakipag-bonding sa kanyang mga fans sa Hangout nitong November 3.


Kuwento ni Kate, mahirap na ngayon mag-taping dahil kailangan nilang magsuot ng mask at shield kahit pa nagbabatuhan na sila ng linya ng kanyang mga kasamahang artista. Ito ay para maprotektahan ang bawat isa laban sa COVID-19.

"Challenging siya and to be honest, mahirap talaga. Kasi before noong wala pa naman na ganito na nangyayari na pandemic, free kami or hindi namin kailangan magsuot ng mask, ng face shield kapag sa set."

Mahirap umano ito dahil minsan ay hindi sila magkarinigan kapag nasa set.

"Mahirap kapag nag-throw lines kami kasi hindi kami magkarinigan may mask kami, may face shield. So extra effort sa volume ng voice kapag kailangan nag-throw lines na kayo."

Ibinahagi rin ni Kate na ngayon ay kailangan rin ng swab test para masigurong hindi magkakahawaan sa set.

"Kailangan mo munang magpa-swab test para ma-sure na negative ka sa sakit. Ganon siya kahirap. Hindi na rin basta nakakapag-taping like before."

Panoorin ang kuwentuhang ito sa Hangout.

Hangout: Kate Valdez, may plano nga ba ngayong Pasko?

Hangout: Kate Valdez, pangarap maging isang psychologist!