
Hindi napigilang maiyak ni Onanay star Kate Valdez habang ikinikuwento sa 24 Oras ang kaniyang mga realization habang nagpapalit ang taon.
Ngayong nasa legal na edad na si Kate, naging mas malawak ang kaniyang pananaw sa buhay at alam na niya kung sinu-sino ang dapat niyang pagtuunan ng pansin.
Aniya, ngayong 2019, nais niyang gugulin kaniyang panahon sa kaniyang pamilya, partikular na sa kaniyang ina, dahil aminado siyang naging busy siya sa kaniyang career.
Bahagi ni Kate, "More time sa family ko lalo na sa Mama ko. Kasi, 'pag sa work minsan, wala na kaming time mag-chikahan. 'Pag uuwi ako, maliligo lang ako 'tapos matutulog na ko, magbabasa ng script.
"I'm so lucky and blessed kasi I think hindi ko kakayanin 'pag wala siya.
“Hindi ko ma-imagine 'pag wala 'yung mom ko sa tabi ko kasi sobrang laki ng belief niya sa 'kin.”
Miss na rin daw ni Kate maka-bonding ang kaniyang ama at kapatid.
Bahagi niya, "Di na [rin] kami masyadong nag-uusap ng daddy ko [at] ng sister ko kasi 'yung schedule ko one week, tuluy-tuloy [ang] rehearsals sa Studio 7 and stuff.
""Tapos parang nami-miss ko rin 'yung time na nagkukuwetuhan kami."
Matapos maging emosyonal, ikinuwento naman niya ang mga pasabog sa nalalapit na pagtatapos ng top-rating primetime series na Onanay.
Kwento ng young actress, masusing paghahanda ang kaniyang ginawa para sa confrontation scene nila ni Mikee Quintos, na gumaganap sa papel ni Maila.
Ngayong linggo na malalaman kung ano ang tunay na relasyon ng kaniyang karakter na si Natalie kay Maila.
Pagkakahulog ni Natalie sa pool sa 'Onanay,' trending sa YouTube
Ani Kate, "Kinunan namin 'yung eksena siguro nakatatlong rehearsal kami para ma-clear kung ano talaga 'yung gagawin.
"Sinasabihan kami bago mag-take na walang magkakasakitan, kung magkasakitan [man], it's okay, it's part of your work, ganun talaga."
Panoorin ang buong panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras: