
Masayang-masaya si Kate Valdez sa kanyang pag-guest sa programang Taste Buddies.
Si Kate ay ang guest ng isa sa mga fresh episodes ng programa. Dito, nakasama ni Kate ang host at crush nitong si Gil Cuerva.
Kuwento ni Kate sa interview ni Lhar Santiago sa 24 Oras, masaya siya na nakapag-guest siya sa programa. "Happy po. Masaya po 'yung taping namin na 'yun. Excited na ako makita ng viewers ulit 'yung pagbabalik ng Taste Buddies."
Saad naman ni Gil ay masaya siya na nakatrabaho si Kate sa episode na ito.
"It's very fun to be with her; very pleasant."
Dahil nga sa crush ni Kate si Gil, inamin niya na kinabahan siya sa kanilang taping.
"Sa totoo lang po medyo nakakakaba, I don't know. Basta nakakakaba sa totoo lang." natatawang kuwento ni Kate.
Abangan ang fresh episodes ng Taste Buddies simula ngayong July 12, 10 a.m. sa GMA Network.
'Taste Buddies' to air every Sunday on GMA Network