
Kabilang si Kate Valdez sa nalalapit na Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance, kung saan bibigyang-buhay niya ang role bilang Inna Villarazon.
Ayon sa Sparkle actress, labis ang kanyang tuwa sa taping ng naturang serye dahil sa mga co-stars niya at sa gaan ng set.
“I'm very much happy sa show na ito kasi although it sounds cliche pero talagang ang babait ng mga kasama ko and I feel so blessed na sila 'yung nakatrabaho ko sa project na ito. Kasi ang sarap magtrabaho talaga kapag magaan 'yung aura sa set, masaya lang, hindi mo nararamdaman 'yung bigat ng eksena,” pagbabahagi niya sa panayam ng GMANetwork.com.
Sa hiwalay na panayam, ikinuwento rin ni Kate na maraming kaabang-abang sa kanyang pagbibidahang serye.
Aniya, “Unang una sa lahat, unang pagsasamahan namin 'to ni Kyline [Alcantara] na show and Kyline is really a great actress and, of course, I'll be able to work with Ms. Coney Reyes, ayan ang aabangan n'yo po.
“At siyempre, si Kyline ang aking kontrabida dito so marami kayong aabangan na sagupaan naming dalawa, and of course, it's all about family, friends, love and work so maraming kayong matutunan dito and makaka-relate kayo.”
Abangan ang Shining Inheritance soon sa GMA.
RELATED: Ang mga leading man ni Kate Valdez