GMA Logo Kate Valdez and Yasser Marta relationship
What's on TV

Kate Valdez may nakaka-kilig na mensahe para kay Yasser Marta

By Dianne Mariano
Published October 3, 2023 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss World Philippines queens take part in medical mission
Harry Styles to release new single 'Aperture' on January 23
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro

Article Inside Page


Showbiz News

Kate Valdez and Yasser Marta relationship


Alamin ang mensahe ni Sparkle actress Kate Valdez para sa kanyang manliligaw na si Kapuso heartthrob Yasser Marta rito.

Nakisaya ang Kapuso stars na sina Yasser Marta at Kate Valdez sa The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo (October 1).

Sumabak ang guest celebrities sa masayang segment na “Inuman Quiz,” kung saan naglaban ang Team YasKate at ang comedy duo na sina Boobay at Tekla.


Bago ito, nagkaroon ng masayang kuwentuhan ang hosts at Sparkle stars. Tinanong ni Boobay si Kate kung ano ang mensahe nito kay Yasser.

“Thank you for always being there for me, for always supporting me,” ani ng Sparkle actress.

Sagot naman ni Yasser sa aktres, “I'm always here for you.”

Nang tanungin naman ni Boobay si Yasser kung ano ang katangian na nagustuhan nito kay Kate, tila hindi natapos ng hunk actor ang kanyang sagot.

"Noong una ko pa lang siya nakita, nagkasama kasi kami sa isang show, sa Regal, doon ko nakita sa kanya na ah sabi ko... hindi ko masabi.

"Doon na nagsimula, parang na-holdap niya ako, e, na-holdap ko rin siya," aniya.


Samantala, tinanong ng hosts si Yasser sa “Phone Raid” segment kung ilang buwan na siyang nanliligaw kay Kate.

“Magsi-six months na,” sagot ng Kapuso hunk.

Matatandaan na noong Hunyo ay nakapanayam ni Boy Abunda si Yasser sa Fast Talk with Boy Abunda at doon sinabi ng aktor na nililigawan niya si Kate ngunit hindi nila minamadali ang lahat dahil mas gusto nilang mabuo muna ang kanilang pagkakaibigan.

Ano naman kaya ang messages na nabasa nina Boobay at Tekla mula sa cellphones nina Yasser at Kate sa “Phone Raid?” Alamin sa video sa ibaba.


Bukod dito, isa-isang ibinahagi nina Yasser at Kate sa “TBATS Top 5” ang Top 5 red flags sa first date. Anu-ano kaya ang mga ito?


Para sa nonstop tawanan at saya, subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:40 p.m., sa GMA at Pinoy Hits.