GMA Logo Kate Valdez throwback photo from Onanay
What's Hot

Kate Valdez, nagbahagi ng throwback "family photo" mula sa 'Onanay'

By Marah Ruiz
Published May 7, 2020 6:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Barangay Ginebra piles on Rain or Shine woes, tightens grip on twice-to-beat bid
Marina Summers is grateful to have hosted MUPH 2026
Farm to Table: (May 3, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Kate Valdez throwback photo from Onanay


Dahil #ThrowbackThursday, binalikan ni Kate Valdez ang isang "family photo" mula sa 'Onanay.'

Napa-throwback si Kapuso actress Kate Valdez at nagbahagi ng isang "family photo" mula sa set ng Onanay.

Kasama niya rito ang co-stars na sina Mikee Quintos at Jo Berry.

Nakasuot pa ng school uniform sina Kate at Mikee na gumanap bilang magkapatid na Natalie at Maila sa serye.

Si Jo naman ang kanilang nanay na si Onay, na may kondisyong achondroplasia na sanhi ng kanyang maliit na pangangatawan.

Good afternoon Everyone ! 😄 #Onanay #Throwback

Isang post na ibinahagi ni Kate Valdez (@valdezkate_) noong


Bukod dito, patuloy na inaaliw ni Kate ang sarili at kanyang mga followers sa pamamagitan ng kanyang mga TikTok dance videos kasama ang kapatid na si Karen.

Kabilang ang Onanay sa special enhanced community quarantine programming ng GMA. Tunghayan ito Lunes hanggang Biyernes, 3:20 pm sa GMA Afternoon Prime.