What's Hot

Kate Valdez, naging matatag sa tulong ng kanyang pamilya at mga kaibigan

By Maine Aquino
Published October 1, 2019 8:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire engulfs warehouse in Caloocan City
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News



Dahil sa kontrobersiyang kanyang hinaharap, inamin ni Kate Valdez na, “Sobrang conscious na ako…”

Inamin ni Kate Valdez na hindi madali ang kanyang kinakaharap na issue ngayon sa kanyang showbiz career.

Kate Valdez
Kate Valdez

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan siya dahil sa pagkakaroon umano niya ng attitude problem, na naging dahilan umano ng pagkakatanggal niya sa Studio 7.

Itinanggi man ito ni Kate, hindi pa rin niya maaalis sa kanyang isip kung bakit siya nasangkot sa ganitong issue.

Kate Valdez wants to end issue about being booted out from 'Studio 7'

Ayon kay Kate, natutunan niya na may mga tao na isang side lang ang pinapaniwalaan.

"'Yun ang nakaka-sad, kasi karamihan naniniwala sa isang side lang.

“Pero they don't want to know, to understand, to see, kung ano talaga 'yung katotohanan.

“Kung ano lang 'yung nakikita nila in front, that's it. Kung ano nabasa nila, that's it.

“Naniniwala sila. Pero they don't know kung ano talaga 'yung katotohanan."

Dahil sa nangyaring ito, naging conscious na umano si Kate sa kanyang mga ikinikilos.

Ani ng Kapuso teen actress, "Sobrang conscious na ako. Baka may masabi ako na hindi nila nagustuhan."

Isa rin sa kanyang natutunan ay ang pagkakaroon ng suporta ng pamilya at mga kaibigan.

Sila umano ang magpapatibay ng loob ng isang tao na magpatuloy na maging mabuti.

Saad niya, "Importanteng may nakakausap ka, importanteng may nagbibigay sayo ng encouragement na good thing."