GMA Logo Kate Valdez in Shining Inheritance
What's on TV

Kate Valdez, nahirapan nang pagtulungan nina Kyline Alcantara at Roxie Smith sa isang eksena sa 'Shining Inheritance'

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 1, 2024 5:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Kate Valdez in Shining Inheritance


"Ganon pala 'yung feeling na pinagtutulungan ka," saad ni Kate sa eksena nila nina Kyline Alcantara at Roxie Smith sa 'Shining Inheritance.'

Aminado ang aktres na si Kate Valdez na dugo't pawis ang kanyang pinuhunan sa mga maaaksyon nilang eksena sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Shining Inheritance.

Ayon kay Kate Valdez, nahirapan siya sa eksena nila nina Kyline Alcantara at Roxie Smith kung saan pinagtutulungan niya nang dalawa.

"'Yung isang trailer na may basura scene kami, grabe two versus one 'yun, siguro almost an hour 'yun namin kinunan. Nahilo talaga ako after, ganon pala 'yung feeling na pinagtutulungan ka," saad ni Kate Valdez sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend.

Tampok rin sa Shining Inheritance sina Paul Salas at Michael Sager, na gaganap bilang sina Francis at Euan.

Saad ni Paul, "Sa mga die hard fans ng Shining Inheritance, ni-love din nila 'yung karakter na ito e, na si Francis."

Dagdag ni Michael, "Ang gusto ko lang gawin is give justice to what the character did previously, but of course, itong Fililipino adaptation."

Usap-usapan rin sa social media ang isa pang bituing bibida sa Shining Inheritance na si Kyline, kung saan makikitang sweet na sweet sila ng basketball player na si Kobe Paras sa isang private party.

Paliwanag ni Kyline, "Actually wala naman po akong dapat i-explain. Alam nila na 'yung nangyari na 'yun, it was super short lang at na-videohan. At, nag-aasaran lang po kami."

Dagdag ni Kyline, pinakilala na niya si Kobe sa kanyang mga co-star sa Shining Inheritance.

Mapapanood ang world premiere ng Shining Inheritance simula September 9 sa GMA Afternoon Prime.