What's on TV

Kate Valdez on her 'Unica Hija' role: 'Ako naman po 'yung inaapi'

By Jansen Ramos
Published October 26, 2022 10:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ano ang malagim na sinapit ng lalaking kumukuha ng bola ng pickleball? | GMA Integrated Newsfeed
Local budget airline announces Manila-Riyadh routes
GMA Pinoy TV Lights Up at the GMA Network Center with a Billboard That Spreads Joy: 'Home for the Holidays!'

Article Inside Page


Showbiz News

Kate Valdez


Hindi kontrabida si Kate Valdez sa bago niyang teleserye na 'Unica Hija' na mapapanood na ngayong Nobyembre sa GMA Afternoon Prime.

Panibagong Kate Valdez ang mapapanood sa upcoming GMA afternoon drama na Unica Hija.

Sa audio-visual presentation na ipinakita sa online media conference ng Unica Hija ngayong Martes, October 25, makikita ang husay ni Kate sa kanyang bagong karakter.

Dito ay gaganap sa dual role si Kate na makilala bilang Bianca at Hope. Sa mga lumabas na teaser, bubuhayin ang yumaong si Kate bilang isang human clone at makikilala bilang Hope.

"Si Bianca, the original one, siya po 'yung pinagkunan ng DNA para kay Hope which is 'yung clone. Si Bianca po ay anak ng isang scientist," bahagi ni Kate.

Ito ang unang beses na gaganap ang aktres sa dalawang magkaibang role kaya inamin niyang nahirapan siya rito. Si Bianca ay sheltered at galing sa mayamang pamilya. Scientist ang kanyang amang si Christian (Alfred Varas) at mapagmahal na ina naman ang kanyang nanay na si Diane (Katrina Halili). Samantalang si Hope ay lalaki sa isang mahirap na pamilya.

"Sa totoo lang po, I'm not gonna lie, challenging po siya, may kahirapan din po. I guess nagkaroon lang ng difference because si Bianca po ay laki sa yaman, 'yung pamumuhay niya, ibang-ibang sa pamumuhay ni Hope. Si Bianca, kumpleto ang pamilya niya, pero 'di naman nawawala sa family 'yung magkaroon ng confrontation so ang goal lang naman ni Bianca ay magkaroon ng buong pamilya at masayang pamilya.

Dagdag pa niya, "Si Hope, 'di siya lumaking kilala ang pamilya n'ya kaya lagi siyang naghahanap ng answer at identity n'ya pero lumaki siya sa pangangalaga nina Jhong at Lorna."

Si Jhong (Biboy Ramirez) ang kukupkop kay Hope matapos niya itong mapulot noong ito ay baby pa lamang. Ituturing niya itong parang tunay na anak pero makararanas si Hope ng pagmamalupit sa asawa ni Jhong na si Lorna (Maricar De Mesa) at sa anak nilang si Carnation (Faith Da Silva).

Ang malaking kaibahan sa mga naunang role ni Kate sa mga ginawa niyang serye gaya ng Onanay at Anak ni Waray vs. Anak Ni Biday, siya naman ang aapihin sa Unica Hija.

Bahagi ni Kate, "Sa mga previous shows na ginawa ko, mostly talaga ako 'yung kontrabida. Ako ang nang-aapi, ako 'yung nananakit, ako 'yung nagtataray. Ngayon ako naman po 'yung inaapi. So 'yun po ang naging adjustment sa akin."

Paglilinaw ni Kate, bagamat produkto ng siyensa si Hope, ito ay isang tao pa rin na nakakaramdam ng mga emosyon at patunay diyan ang mga nakakaiyak na eksena ng karakter niya sa Kapuso drama-sci-fi.

"Sa role ko naman po being a clone, si Hope, 'di naman gano'n kateknikal ang ginawa kong preparation kasi hindi naman siya robot, tao pa rin s'ya. Nakakaramdam siya ng lahat ng emotions ng tao."

Makakatambal ni Kate si Kelvin Miranda sa Unica Hija na mapapanood na simula November 7 sa GMA Afternoon Prime.

Ito ay mula sa direksyon ni Mark Dela Cruz.

LOOK: KATE VALDEZ'S SHOWBIZ JOURNEY AND TRANSFORMATION