GMA Logo kate valdez and maricar de mesa
What's on TV

Kate Valdez, pinuri ni Maricar De Mesa

By Jansen Ramos
Published November 6, 2022 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

kate valdez and maricar de mesa


Sabunot at sampal ang inabot ni Kate Valdez mula kay Maricar De Mesa sa 'Unica Hija' pero hanga raw ang huli sa pagiging propesyunal ni Kate.

Muling kaiinisan ang batikang aktres na si Maricar De Mesa sa telebisyon dahil sa kanyang kontrabida role sa bagong GMA afternoon drama na Unica Hija.

Dito ay gagampanan niya ang papel na Lorna, ang asawa ni Jhong (Biboy Ramirez) na kukupkop sa sanggol na si Hope (Kate Valdez).

Hindi sang-ayon dito si Lorna lalo pa nang nakita niyang walang pusod ang sanggol na isa palang clone.

Paglaki ni Hope, hindi siya makakatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang adoptive mom.

Sabunot at sampal ang inabot ni Kate mula kay Maricar, base sa mga inilabas na teaser ng Unica Hija.

Hindi na bago kay Maricar ang ganitong mga role kaya bilang mas nakatatandang artista, ginabayan niya si Kate kapag may mga pisikal silang eksena.

Ani Maricar sa virtual media conference ng Unica Hija, "Kapag 'yung kaeksena ko, gusto ko, nababaitan ako, alam mo 'yun, gusto ko s'ya sa puso ko, sinasabi ko kung ano 'yung gagawin ko. Bibigyan ko s'ya ng tips, gano'n, may warning.

"'Tapos sinasabihan ko lagi si Kate na mag-stretch ka ng neck and shoulder kasi pwede kang ma-stiff neck, alam mo 'yun, whiplash.

"Syempre, 'di naman n'ya in-e-expect kung saan manggagaling 'yung sampal, kung saan manggagaling 'yung mga sabunot, 'di ba, so binibigyan ko sila ng tips. Inaabisuhan ko naman sila bago mag-start 'yung eksena."

Ayon pa kay Maricar, hanga siya sa work attitude ni Kate kaya malapit ang loob niya rito.

Dagdag niya, "Iba 'tong si Kate katrabaho, masarap katrabaho. Pero alam kong nasasaktan na siya e pero nagta-thumbs up lang siya palagi. 'Ok lang po' ganyan lang palagi 'yung reaksyon n'ya pero deep inside ang sakit, nahihirapan na siya, napapagod siya. So hanga rin ako sa batang 'to."

Bahagi pa ni Maricar, "Sabi ko nga lang no'ng isang araw na nagte-taping kami, 'Uy, Kate 'wag ka magbabago ah. Baka 'pag superstar ka na, daan-daanan mo na lang ako, saka sasama loob ko sa 'yo.'"

Ipapalabas ang Unica Hija mula Lunes hanggang Biyernes, simula November 7, 3:25 p.m. sa GMA.

NARITO ANG PASILIP SA BAGONG SUSUBAYBAYANG DRAMA SA HAPON: