GMA Logo Kate Valdez, Fumiya Sankai
PHOTO COURTESY: Kate Valdez (Instagram)
What's Hot

Kate Valdez reveals she's in love; grateful for Japanese personality Fumiya Sankai

By Dianne Mariano
Published August 29, 2024 6:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robust consumer spending boosts US third-quarter economic growth
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Kate Valdez, Fumiya Sankai


Ayon sa 'Shining Inheritance' star na si Kate Valdez, sobrang masaya sila ni Fumiya Sankai sa isa't isa.

Sinagot ng Sparkle actress at Shining Inheritance star na si Kate Valdez ang tungkol sa estado ng kanyang relasyon sa Japanese personality na si Fumiya Sankai.

Sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, sinabi ni Kate na masaya sila ng vlogger-artist sa isa't isa.

“Sobrang happy kami sa isa't isa, sa presence ng isa't isa,” lahad niya.

Bukod dito, inamin din ng Sparkle artist na siya ay “in love.” Aniya, “Yes, yes, sobra. And I'm happy and I'm grateful for him.”

Ayon pa kay Kate, birthday gift sa kanya ni Fumiya ang recent Disneyland trip nila sa Hong Kong. Matatandaan na kamakailan ay ibinahagi ng aktres ang kanilang larawan sa naturang theme park nang ipagdiwang ng una ang kanyang birthday.

A post shared by Kate Valdez 🪬 (@valdezkate_)

“Actually 'yung trip na 'yon, it was a gift for me from him. Gusto niyang i-spend 'yung special day ko with me. So tinanong niya kung ano'ng gusto ko and then I told him na parang gusto kong ma-experience 'yung Disneyland,” kuwento niya.

Ibinahagi rin ni Kate na “very at peace” siya sa tuwing kasama si Fumiya. Bukod dito, ikinuwento rin ng aktres kung paano sila nagkakilala ng Japanese artist.

“Mga friends ganyan, tapos attending sa events kasi now he's an artist na, he's making songs, music. Umattend ako and then I met him and then 'yun, tuloy-tuloy na po,” sabi niya.

Samantala, excited at kinakabahan si Kate sa nalalapit na pag-ere ng pagbibidahan niyang serye na Shining Inheritance, kung saan bibigyang-buhay niya ang role bilang Inna Villarazon.

“Sobrang excited na po ako, Tito Lhar, and medyo kinakabahan ng very light lang naman pero masaya ako na, finally, makikita ng mga Kapuso natin ang pinaghirapan namin,” aniya.

SILIPIN ANG VERSATILE STYLE NI KATE VALDEZ SA GALLERY NA ITO.