
Ipinakita ni Kate Valdez na isa siyang supportive na girlfriend sa guesting ni Fumiya Sankai sa TiktoClock.
Ngayong October 6, kasama ni Fumiya na nag-perform sa TiktoClock stage sina Anton Vinzon, Allen Ansay at ang isa pang Japanese cutie na si Yukan. Sa pasilip sa episode na ito, ipinakita na inayusan pa ni Kate si Fumiya bago magsimula ang programa.
Saad sa post ng TiktoClock, "Level up ang support! Hairstylist duties on set -- sana all may #KateValdez!"
Pagkatapos naman ng performance ni Fumiya, sinabi niyang dedicated ang awitin nila kay Kate. Kaya naman tinawag ang kinikilig na Kate sa stage para makasama si Fumiya.
Tanong kay Kate, "Proud ka naman sa kaniya?"
"Siyempre. Proud na proud!" Agad na sagot ni Kate.
Patuloy na subaybayan ang TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA.
SAMANTALA, NARITO ANG SWEETEST PHOTOS NINA KATE VALDEZ AT FUMIYA SANKAI: