What's Hot

Kate Valdez, umaming kinabahan nang makatrabaho si Gil Cuerva

By Dianara Alegre
Published July 8, 2020 12:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Anne Curtis breaks silence on Bong Suntay's remarks: 'I do not accept your non-apology'
'TINMAN 12–12 Years Strong: The Legacy Continues' returns to Ilocos Norte
Nikko Natividad's wife Cielo Eusebio speaks up about viral intimate video scandal

Article Inside Page


Showbiz News

kate valdez gil cuerva taste buddies


Magsasama sina Gil Cuerva at Kate Valdez para sa unang episode ng Taste Buddies sa ilalim ng general community quarantine.

Malapit na muling umere ang magazine show na Taste Buddies nina Kapuso stars Solenn Heussaff at Gil Cuerva.

Sa katunayan nga ay nakapag-taping na ito para sa unang episode ng programa matapos ang tatlong buwan na pansamantalang pagtigil nito.

Makakasama ni Gil sa naturang episode si Anak ni Waray vs Anak ni Biday star Kate Valdez at ayon sa huli naging masaya taping nila.

“Happy. Masaya 'yung taping namin na 'yon. Excited na akong makita ng viewers 'yung pagbabalik ng Taste Buddies onscreen,” sabi ni Kate.

Pero dagdag din niya, kinabahan din siya dahil kasama niya roon ang crush niyang si Gil.

Matatandaang sa isang episode ng Tonight With Arnold Clavio unang nabunyag na may crush si Kate kay Gil.

“Sa totoo lang, medyo nakakakaba. I don't know, basta nakakakaba,” sabi pa ni Kate.

Samantala, nitong mga nakalipas na buwan habang naka-quarantine ay nagpaka-productive rin sina Gil at Kate.

Si Gil ay tumulong sa negosyo ng kanyang mga magulang.

“'Yung family ko, initially mayroon silang seafood business sa village namin, so tumulong ako diyan.

"Tried to get some people to buy tsaka sa paged-deliver,” pagbabahagi ni Gil.

A post shared by GIL CUERVA (@gilcuerva) on

Habang si Kate ay itinuon ang oras sa pag-eeehersisyo.

“Ako, pinush ko na 'yung sarili kong mag-exercise and then nagba-bike ako, and nag-aaral ako mag-roller skate,” aniya pa.

A post shared by Kate Valdez (@valdezkate_) on