
Dahil sa pag-iimbestiga sa kumpanya ng mga Chan, madudukot at matatagpuang walang buhay ang karakter na si Myla sa GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Ang actress at designer na si Kate Yalung na gumaganap sa kanya, ibinahagi ang ilang behind-the-scenes footage ng kanyang death scene sa pamamagitan ng isang vlog.
Ipinakita ni Kate ang lugar kung saan matatagpuan ng isang basurero si Myla, pati na ang pagme-makeup sa kanya para magmukha siyang madumi at walang buhay.
"Okay lang naman po. Ganoon pala 'yung feeling ng namatay," biro ni Kate.
Bukod dito, ipinasilip din niya ang eksena ng pagdukot sa kanya at ang pagtapon ng mga goons sa kanyang bangkay.
"Medyo maalog, medyo bongga. Okay 'yung experience," natatawanag pahayag ng aktres habang iniaahon mula sa mga basura matapos ihagis.
Panoorin ang buong vlog ni Kate tungkol sa pagkamatay ni Myla dito:
Sa huling apat na gabi ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, masisiwalat na kasabwat ni Valerie si Allan (Victor Basa.)
Bibisita din sina Anton (David Licauco) at Joseph (Rob Gomez) sa burol ni Myla, bagay na ikagagalit ni Steffy (Barbie Forteza.)
Huwag palampasin ang huling apat na araw ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 pm sa GMA Telebabad.
Panoorin din ang same-day replay nito sa mula Lunes hanggang Huwebes, 11:30 pm at Biyernes ng 11:00 pm sa GTV.
Samantala, mas kilalanin pa ang actress at designer na si Kate Yalung sa gallery na ito: