Celebrity Life

#KatEighteen: Kate Valdez, isang miracle baby?

By Felix Ilaya
Published August 22, 2018 9:51 AM PHT
Updated August 22, 2018 10:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magkakapitbahay na sakay ng tricycle, nabangga ng pickup truck; 3 patay, 3 sugatan
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Sa mismong debut ng Kapuso star na si Kate Valdez, nagkuwento ang ina nito ng pagsubok na pinagdaanan nilang mag-ina simula nang nasa sinapupunan pa lang niya si Kate hanggang sa mailuwal niya ito. Alamin ang detalye sa article na ito.

Blooming at radiant si Kate Valdez sa kaniyang debut noong Tuesday (August 21). Sinong mag-aakala na ang masayahin at energetic na si Kate ay isa palang miracle baby noong isinilang siya?

'Yan ang kuwento na binahagi ng mother ni Kate na si Teresita Sisante nang siya ay nagbigay ng mensahe para sa kaniyang anak.

Aniya "Si Kate kasi, noong nasa loob pa siya ng tiyan ko, sobrang daming pagsubok ang pinagdaanan naming mag-ina. Hanggang sa noong lumabas siya, miracle baby siya. Kaya pala binigay siya sa'kin ni God, papakita niya na eto 'yung mga taong nagmamahal sa'yo."

Kinuwento rin niya kung gaano kabait na bata si Kate noong ito'y lumalaki na.

"Napakabait na bata ni Kate kasi hindi namin 'yan napalo, lahat ng sabihin namin, sinusunod niya, lagi akong may flowers kahit saan makita niyang may flower pipitasin niya, tapos lagi akong may letter, laging may 'I love you, Mama,'" wika niya.

Sa exclusive interview ng GMA Network kay Kate, nagpasalamat ang Onanay star sa lahat ng mga tumulong upang matupad ang kaniyang pinapangarap na debut.

"Of course sobrang pasasalamat ko sa mga sumuporta at talagang binigyan ako ng chance na matuloy 'tong party na ito at gawing extra special ang gabing ito for me. Hindi ko ine-expect na mangyayari. Nandyan talaga sila para i-push at ipakita sa'kin na 'You deserve it. You deserve to have this beautiful night and nandito kami para ibigay 'yon sa'yo at suportahan ka.'"

Sa 18th birthday ni Kate, ang wish niya raw ay happiness at love para sa lahat.