
Inilahad ni Kathryn Bernardo na iba't ibang emosyon ang kaniyang naramdaman sa ginanap na official announcement ng Hello, Love, Again.
Ang Hello, Love, Again ay ang sequel ng kanilang pelikula ni Alden Richards na Hello, Love, Goodbye noong 2019.
Ngayong May 19, isinapubliko na ang pinakaaabangang sequel na Hello, Love, Again na collaboration ng Star Cinema at GMA Pictures.
Kuwento ni Kathryn, "It's finally happening. Ngayon lang nagsi-sink in sa amin actually."
Inamin ni Kathryn na nakaramdam siya ng halo-halong emosyon ngayong magbabalik na sila ni Alden sa bilang Ethan at Joy sa Hello, Love, Again.
"Kagabi pa ako kinakabahan. I don't know why, maybe its more of excitement and halo halong emosyon but then seeing everybody here ramdam na ramdam namin yung support and excitement ninyo. Parang 'yun 'yung nagfuel sa amin."
Dugtong pa ni Kathryn, "It's not gonna be easy but here we are. This is so exciting. I thought we already said our goodbyes, but here we are saying our hellos 'di ba?"
Binigyan diin pa ni Kathryn na exciting ito dahil ito ang unang collaboration ng GMA Pictures at Star Cinema. Mangyayari sa collaboration na ito ay ang pagpapatuloy ng kuwento nina Ethan at Joy.
"Kapamilya, Kapuso. This is a lot of firsts. Excited lang siguro ako so thank you so much for another opportunity to tell another story and to continue sharing Ethan and Joy's story but this time in Canada."
Hiling ni Kath sa mga nakapanood ng kanilang announcement, "Sana po suportahan ninyong lahat."
Mapapanood ang Hello, Love, Again sa November 13 sa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia-Sampana.
Tingnan ang mga kaganapan sa official announcement ng Hello, Love, Again dito: