
Mainit na sinalubong ng mga Kapuso ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa pagpunta niya sa GMA Network Center.
Nagpunta si Kathryn sa GMA nitong Huwebes, October 3, para sa promotion ng upcoming film nila ni Alden Richards na Hello, Love, Again.
Ayon sa Chika Minute report sa 24 Oras, mapapanood si Kathryn kasama ang Asia's Multimedia Star at Kapuso actor na si Alden bilang guests sa ilang GMA shows.
Kabilang sa mga ito ang game show na Family Feud, kung saan makakasama ng dalawang A-list actors ang iba pang celebrities.
Bukod dito, dapat ding abangan ang kick-off at poster launch ng pelikula sa isang mall sa Laguna sa darating na Sabado, October 5.
Sa social media, makikita ang ilang posts ng netizens tungkol sa pagbisita ni Kathryn sa Kapuso Network.
©️ mc_channel18 / TikTok
-- KathKWEEN 👑 (@KBforever0326) October 3, 2024
"KATHRYN BERNARDO SPOTTED IN GMA"#KathrynBernardo pic.twitter.com/JGPCMDA4sG
Samantala, ang Hello, Love, Again ay ang first film collaboration ng GMA Pictures at Star Cinema.
Mapapanood na sa cinemas ang much-awaited film na pagtatambalan muli nina Kathryn at Alden sa darating na November 13.