GMA Logo klea pineda and katrice kierulf
What's on TV

Katrice Kierulf, supportive sa pagsali ni Klea Pineda sa 'It's Showtime'

By Kristine Kang
Published January 10, 2025 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House representatives file resolution to investigate death of former DPWH Usec. Cabral (Dec. 22) | GMA Integrated News
Drunk man drowns at Digos beach
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

klea pineda and katrice kierulf


Marami ang natuwa sa hulaan at kulitan ni Klea Pineda sa "And the Breadwinner Is."

Nakisaya at nakihula ang Kapuso aktres na si Klea Pineda sa patok na segment ng It's Showtime na "And the Breadwinner Is" nitong Biyernes, January 10.

Labis ang kilatis ng Lolong star sa tatlong tampok na breadwinnerables para mahulaan kung sino ang totoong breadwinner na nagbebenta ng mga ihaw-ihaw na street food.

Bukod dito, nagbigay-saya ang Kapuso aktres sa studio sa pamamagitan ng pakikilahok sa kulitan ng It's Showtime family. Game na game din siya sa pakikipagkwentuhan sa mga host at sa madlang people.

Sa tulong ng lahat sa studio, nahulaan ni Klea ang totoong breadwinner sa huli. Labis ang saya ng audience, lalo na ng kanyang nabunot na partner for today.

Marami rin ang nagbigay ng suporta sa kanya online, lalo na ang kanyang fans sa iba't ibang social media platforms. Nangunguna sa mga ito ang kanyang real-life girlfriend na si Katrice Kierulf.

Sa isang Instagram story, labis ang ipinahayag na suporta ni Katrice para kay Klea. Kasama ang video ng Kapuso aktres, sinulat nito, "Woohooo go mahaly Klea Pineda! Watch na ng It's Showtime."

Maya-maya pa, rine-share ito ni Klea at nagpasalamat kay Katrice na," "Thank you, hon!"

Photo by: kleapineda IG

Sa huling bahagi ng segment, nagbigay ng nakaaantig na mensahe si Klea sa tampok na breadwinner ng programa.

"Pagpatuloy mo lang 'yung pagiging masipag mo at tsaka 'yung pagtulong mo sa pamilya mo. Lagi mo lang ingatan din ang sarili mo para magabayan mo rin sila at masamahan mo rin sila. Lagi ka lang mag-smile," sabi niya.

Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, balikan ang sweet photos nina Klea Pineda at Katrice Kierulf: