
Ilang araw na ang lumipas mula ng koronahan ni Katrina Anne Johnson ang kanyang Binibining Pilipinas International successor, at sa social media, nagpost ng taos-pusong pasasalamat ang beauty queen para sa mga taong nakasama niya sa kanyang pageant journey.
Nag-upload nang ilang mga photos si Katrina sa Instagram ng kanyang final walk sa 2026 Binibining Pilipinas coronation night, kasama ang isang mahabang caption kung saan nagpasalamat siya sa kanyang pamilya at kanyang team na nakasama noong 2025 Binibining Pilipinas pageant at ngayong naghahanda na siya para sa 2026 Miss International pageant ngayong November.
Ibinahagi ni Katrina sa caption ang layunin niyang ipagmalaki ng kanyang mga kababayan. Ayon sa kanyang caption, “In a few months, I'll have the privilege of carrying 117 million Filipino smiles, stories, and dreams to Japan. I only hope I can make every single one of you proud.”
Napanalunan ni Katrina ang Binibining Pilipinas International crown nitong nakaraang taon pagkatapos sagutin ang tanong na “Lies told a thousand times become the truth. What is your reaction to this statement now that fake news pollutes and corrupts our society more than ever?"
"Well, I think social media and the internet is such a blessing to all of us because it allows us to create a community online with people from all around the world. But yes, fake news is a rampant issue nowadays. And to be honest with you, I think the best way that we can combat that is to make sure that we're educating people on how to discern information. We need to be aware, we need to regulate, and make our online communities a safe space for everyone. Thank you," sagot niya.
Ipinasa ni Katrina ang korona kay Gwendoline Meliz Frias Soriano, na maagang frontrunner para sa korona pagkatapos niyang mapanalunin ang sa sa mga special awards ng pageant, ang titulo na Miss SnowCaps Radiance noong launch ng partnership ng Binibining Pilipinas partnership at ng glutathione brand na SnowCaps sa Novotel Manila Araneta City.
Mula roon ay naging maganda rin ang performance ni Gwendoline sa iba't ibang challenges ng pageant, tulad ng national costume competition. Napanalunan ni Gwendoline ang swimsuit competition at ang evening gown competition.
RELATED CONTENT: Look back at Gwendoline Soriano's Binibining Pilipinas journey